Home   General Info   Rediscovering Pitpitan   Government   Directory   Downloads Wika: Filipino | English
Schedule of Activities
   
 
 
Image Satellite Courtesy of PAGASA
www.pagasa.dost.gov.ph
 
 
 
Bulacan Job Central
Jobstreet.com
 
PGB Online
 
Web Links
 
This website was visited
size=25
times since 06.05.2011
 
 
Mag-Post ng inyong Announcement »
 

Isang magandang panimula ang isang website upang ipakita ang pagunlad ng isang barangay. Ipinapakita nito na may kakayahang sumabay sa teknolohiya ang barangay at nakahanda itong magbigay ng impormasyong makapagdadagdag sa kaalaman ng mga tao o mga Pilipino ng maraming bagay tungkol sa kanila. Nagpapamalas din ito ng kakayahang sila ay makilala sa buong daigdig dahil sa lawak ng naaabot ng website.

Congratulations sa barangay Pitpitan sa pagkakaroon ninyo ng isang website.

- Moore Reyes, web designer
Bulacan, Philippines

------------------------------------

 

Wow naman!!! Can you imagine, PITPITAN may website na. Ang galing!

Congrats sa website accomplishment!

- Frank & Susan Bairan VINCECRUZ
CA, U.S.A.

------------------------------------

 

CONGRATULATIONS PITPITAN!

Nakakawala ng homesick. MABUHAY!

- Loida Torres
Dubai, U.A.E.

------------------------------------

 

Keep it up.. I'm proud to be a native of Pitpitan.. Let the world recognize our barangay..

- P/Sr.INSP Jeifferly T. Macario
Manila, Philippines

------------------------------------

 

wow grabe kyo, kung sino man nakaisip ng website nyo.. saludo ako syo, ang ganda ng website nyo.. more power!!!

- Oliver
San Rafael, Bulacan

------------------------------------

 

Congratulations!!! I have been looking for a barangay with such a wonderful website such as yours! I am very happy to have found it here!

- Atty. Cherry Melodias
DILG-NCR

Basahin Lahat » Feedback Form »
 
 
FACEBOOK.COM/BGYPITPITAN
   
 
 
 
 

Welcome to BARANGAY PITPITAN!

Ang PITPITAN ay isa sa pinakamaliit na nayon sa bayan ng Bulakan na binubuo ng limang sitio o purok ng Libo, Libis, Gitna, Tabang at Tulay na siyang sumasakop sa Sabana at Aksaho. Tulad ng ibang lugar sa Pilipinas, ang Pitpitan ay hindi nahuhuli kung yaman ng Kultura at Tradisyon ang pag-uusapan. Ang mga Fiesta, Prusisyon, Simbang Gabi, Santa Krusan, at iba pang magagandang tradisyon at kaugalian na bahagi ng pagiging Pilipino ay hindi pa rin nawawala sa nayong ito. At lingid sa kaalaman ng marami, ang PITPITAN ay hitik rin sa kasaysayan at may malaking naiambag sa kalayaan ng bansa noong panahon ng himagsikan.

Layunin ng website na ito na ipakilala ang barangay Pitpitan hindi lamang sa aming mga Kabarangay kundi sa lahat ng makababasa nito. Umaasa kami na ang pagdadala namin ng mga impormasyong ito sa daigdig ng Information Technology ay magbubukas para sa aming barangay ng oportunidad partikular sa larangan ng kalakalan upang makatulong sa aming mga Kabarangay kahit sa maliit at simpleng paraan. Hangad namin na maibahagi sa lahat ang mga kaalaman na marahil ay limot na ng iba o sadyang hindi alam ng marami. Nais sana naming ipamana sa mga darating na henerasyon ang mga bagay tungkol sa lugar na tinatawag naming tahanan - mga bagay na pamana ng kahapon na siyang patuloy na mag-uukit ng aming kasaysayan sa hinaharap.

Kaya't halina, sa pamamagitan ng website na ito ay buong galak kaming nag-aanyaya sa inyo na ating tuklasin at balikan ang isang nayon sa bayan ng Bulakan na kung tawagin ay PITPITAN!

 
 
 
mobile.barangaypitpitan.com
 
Discovering Pitpitan   Sangguniang Barangay 2011-2013   barangaypitpitan.com Web Mail
 
FREE WEBSITE & E-MAIL!
 
 
 
 
Mga Datos
Sattelite Image Map
Pitpitan sa Google Maps™
Mga Kwento ng Kasaysayan
Mga Kakanin at ibp.
Mga Lugar sa Barangay
Ang Galing ng taga-Pitpitan
Mga Opisyal at Kawani
Bisyon / Misyon
Citizen's Charter
Mga Dating Nanungkulan
Mga Negosyo
Mga Organisasyon
Sattelite Image Map
Citizen's Charter
Wallpapers New
 
Google
  This site only
FACEBOOK.COM/BGYPITPITAN

BPITC
  COPYRIGHT © 2004 - 2011    |    ABOUT BPITC    |    ABOUT THIS SITE    |    ABOUT THE AUTHOR