Home   General Info   Rediscovering Pitpitan   Government   Directory   Downloads Wika: Filipino | English
Schedule of Activities
 
 
 
 
About This Site

Introduction

Ang website na ito ay proyekto ni Konsehal Benee Garcia bilang bahagi ng kaniyang programang "Gamit ang Teknolohiya, Kabarangay ang Una!". Nagsimula ang pagbuo dito noong taong 2004 at naisakatuparan noong 2005. Kaakibat nito, gumawa ng isang Kapasyahan si Kon. Benee para sa pagkakaroon ng website ng Pitpitan at ito ay ipinasa ng Sangguniang Barangay noong Oktubre ng taon ding iyon.

Nagsimula ang website bilang isang "free hosted website" na may sub-domain na www.pitpitan.cjb.net at noong 2006 ay inilipat ito ng hosting bilang isa pa ring sub-domain na may pangalang www.pitpitan.bulakanph.com. Nang taon ding iyon ay itinatag ni Kon. Benee ang Barangay Pitpitan Information Technology Center o BPITC isang pribado at boluntaryong institusyon na siyang mamamahala sa pagpapatakbo ng website na ito. Katulong ni Kon. Benee sa programang ito ang ilan sa kaniyang mga kaibigan na nasa larangan ng Information Technology.

Ginawa ang website na ito dahil sa mga sumusunod na layunin:

  • Ipakilala ang makulay at mayamang kultura, tradisyon at kasaysayan ng Pitpitan.
  • Ibahagi sa mga kabataan at sa mga darating pang henerasyon ang pamanang ito ng kasaysayan.
  • Buksan sa mas malaking oportunidad sa kalakalan ang Pitpitan para sa mga produkto at negosyong nananahan dito.
  • Bilang pakikiisa sa Pamahalaan na maisulong ang e-Governance sa bansa.
  • At higit sa lahat, ang lalo pang mapatibay ang ugnayan ng mga Pitpitaño saan mang sulok ng mundo.

Nang matapos ang panunungkulan ni Kon. Benee Garcia noong Nobyembre 30, 2010 ay ipinahayag niya na ang website na ito ay hindi aalisin at patuloy pa ring gagamitin ng barangay bilang Official Web Portal nito. Ang kaniyang programang "Gamit ang Teknolohiya, Kabarangay ang Una!" ay nananatiling aktibo at ang BPITC ay patuloy na maglilingkod sa barangay Pitpitan at sa mga mamamayan nito.

 

Disclaimer

Ang mga kasaysayan at artikulo na nasa website na ito ay nangyari sa iba't-ibang panahon. Ang ilan sa mga ito ay hango mula sa mga nalathalang aklat, mga pananaliksik at mga panayam sa mga taong nasa labas at loob ng barangay. Ang website na ito ay nagtataglay ng mga impormasyong pampubliko gayundin ang ilan sa mga isinulat ng may-akda na naglalayong mag-ulat, magpahayag, magbigay ng impormasyon at magbigay ng serbisyo sa mga tao.

Bagama't ang website na ito ay nakapangalan at ginagamit ng barangay Pitpitan bilang opisyal nitong website, ito ay nananatiling pribado at naka-rehistro kay Kon. Benee Garcia at sa BPITC na siyang sumasagot sa pamamahala maging sa lahat ng mga gastusin dito. Ang Pamahalaang Barangay ng Pitpitan at ang BPITC ay magkatuwang sa pagtataguyod ng website na ito at ng mga programang may kinalaman sa Information Technology para sa kapakanan ng barangay Pitpitan at ng mga mamamayan nito.

Ang BPITC ay walang kinikita maging ang Pamahalaang Barangay ng Pitpitan sa anumang serbisyong makikita sa website na ito. Ang lahat ng serbisyo ng BPITC ay libre at walang bayad. Bagamat' libre ang mga serbisyo ng BPITC, hindi ito naglalagay ng anumang "pop up banners or advertisements" maliban na lamang kung ang mga ito ay:

1. Galing sa mga "third party websites" kung saan ang kanilang libreng serbisyo ay ginagamit ng BPITC para sa website na ito.
2. Advertisements ng mga negosyong nakatayo sa Pitpitan at bahagi ng programa ng BPITC.

 

Terms of Use

Ang lahat ng nilalaman ng website na ito ay maaari lamang gamitin sa legal at makabuluhang bagay at hindi dapat gamitin sa pornograpiya, mga gawain na nagdudulot ng karahasan, paglabag sa karapatan ng iba, at anumang uri ng paglabag sa batas.

Ang BPITC ay may karapatan na tumanggi, alisin o itigil ang anumang serbisyo nito sa sinuman sa anumang kadahilanan sa sarili nitong kapasyahan at may karapatang tumanggi, alisin, burahin ang anumang impormasyon mula sa sinuman na para dito ay hindi katanggap-tanggap, hindi kanais-nais o may paglabag sa anumang alituntuning nabanggit dito.

 

Privacy Policy

Ang lahat ng impormasyon tulad ng e-mail addresses, telephone numbers, mailing addresses na tinatanggap ng BPITC sa pamamagitan ng mga Online Forms sa website na ito ay nananatiling pribado at lihim maliban sa mga sumusunod:

1. Detalye ng Announcement na isinumite sa Online Form kung saan maaaring ilagay dito ang anumang "contact informations".

Halimbawa: BATCH '94 REUNION
Please Contact Juan @ celfone #: 0123-456-7890

2. Ipinadalang mensahe sa "What Do People Say About Our Site?" kung saan inilalagay ang Probinsya/State at bansa na kinaroroonan ng taong nagpadala nito.

Halimbawa: Keep up the good work!
-- Juan
CA, USA

 

Third Party Websites

Ang BPITC ay naglalagay o gumagamit (bagama't hindi sa lahat ng pagkakataon) ng mga "third party websites and features" tulad RSS Feeds, Networking Sites at iba pa upang mas mapabuti ang mga serbisyo ng website na ito. Ang BPITC ay walang pananagutan sa sinuman sa paggamit o pagtangkilik ng mga "websites and features" na ito. Tandaan na ang mga ito ay may sariling "Terms of Use and Policies" na dapat ding sundin ng mga gagamit nito.

 

Trademarks and Copyrights

Ang mga nilalaman ng website na ito ay pag-aari ng BPITC, ang ilan ay sa Pamahalaang Barangay ng Pitpitan at/o ng ibang institusyon o personalidad. Maaaring kopyahin, i-download o kaya ay i-print ang mga pampublikong impormasyon na nasasaad dito upang gamitin sa anumang legal at tanging sa makabuluhang bagay lamang tulad ng mga proyekto at takdang aralin ng mga mag-aaral. Kailanman ay hindi maaaring burahin, baguhin o palitan ang anumang impormasyong nasasaad dito ng walang sapat na kadahilanan at walang pahintulot ng BPITC o sinumang rehistradong nagmamay-ari sa mga ito.

 

Ang BPITC ay may karapatang baguhin ang anumang nilalaman ng pahinang ito sa hinaharap para sa mas lalo pang ikabubuti ng serbisyo nito.

Upang i-report ang anumang paglabag sa mga nilalaman ng alituntuning nasasaad dito o para sa anumang katanungan, mungkahi o reklamo hinggil sa website na ito, makipag-ugnayan lamang sa e-mail address na: admin@barangaypitpitan.com

 

Maraming salamat po!


- THE WEB ADMINISTRATOR -
Barangay Pitpitan Information Technology Center
Copyright 2004 - 2011. All Rights Reserved.

 


"Ang lahat para sa Kadakilaan ng Diyos at sa Ikabubuti ng Barangay Pitpitan!"

 
 
 
 
Mga Datos
Sattelite Image Map
Pitpitan sa Google Maps™
Mga Kwento ng Kasaysayan
Mga Kakanin at ibp.
Mga Lugar sa Barangay
Ang Galing ng taga-Pitpitan
Mga Opisyal at Kawani
Bisyon / Misyon
Citizen's Charter
Mga Dating Nanungkulan
Mga Negosyo
Mga Organisasyon
Sattelite Image Map
Citizen's Charter
Wallpapers New
 
Google
  This site only
FACEBOOK.COM/BGYPITPITAN

BPITC
  COPYRIGHT © 2004 - 2011    |    ABOUT BPITC    |    ABOUT THIS SITE    |    ABOUT THE AUTHOR