Home   General Info   Rediscovering Pitpitan   Government   Directory   Downloads Wika: Filipino | English
Schedule of Activities
 
 
 
 
Discovering Pitpitan
Mga Lugar sa Barangay

Mini-Dam sa Libis

Prinsa sa Kanto ng Libis

 

Mga Puno ng Mangga sa NIA Road-Gitna

 

Ang mga punong mangga na ito ay matatagpuan sa gilid ng NIA Road sa Sitio Gitna. Ang mga ito ay itinanim ni G. Jacinto Manahan sa kanilang lupain at nang lumaon ang nasabing lupain ay nadaanan ng patubig kung kaya't ang mga ito'y lumalagay na nasa tabi ng daan. Ang mga punong mangga na ito ay patuloy na pinag-aanihan ng matatamis na bunga at nagbibigay lilim sa kahabaan ng NIA Road humigit kumulang sa 80 taon.

 

 

 

 

Back to Top ^

 


 

Mini-Dam sa Libis

 

Ang prinsa na ito o masasabing isang mini-dam ay matatagpuan sa Sitio Libis. Ito ay ang prinsa na naghahati sa patubigan na patungo sa isa pang prinsa sa kanto ng Libis - papuntang Tulay at ang tubig naman na makikita sa larawan ay bumabaybay sa kahabaan ng Sitio Libis patungong Maniknik Dam sa Barangay Balubad.

Kilala ang lugar na ito sa buong Pitpitan bilang paliguan sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-init. Marami ng mga kabataan sa iba't-ibang henerasyon ang nagkatuwaan at nagsipaligo sa prinsang ito bago pa man nagsulputan ang mga resorts. Dinadayo ito hindi lamang ng mga bata kundi maging ng mga may edad na dahil sa linaw at lamig ng tubig na nakakapawi ng init kapag tag-araw.

 

 

Back to Top ^

 


 

Prinsa sa Kanto ng Libis

 

Ang prinsang ito ay matatagpuan sa kanto ng Libis sa Tabang.

Kilala din ang prinsang ito bilang paliguan at kung minsa'y dinarayo pa ng mga nasa karatig barangay ng Pitpitan.

Tulad ng Mini-Dam, ang prinsang ito ay naging paliguan na ng maraming bata mula sa magkakaibang henerasyon.

 

 

 

 

 

Ang agos na ito ay mula sa prinsa patungo sa Sitio Tulay at dadaloy hanggang sa Aksaho patungong Matalaba sa laot na nagbibigay ng tubig sa malawak na bukirin ng Pitpitan at karatig barangay

 

 

 

 

 

Back to Top ^

 
 
 
 
Mga Datos
Sattelite Image Map
Pitpitan sa Google Maps™
Mga Kwento ng Kasaysayan
Mga Kakanin at ibp.
Mga Lugar sa Barangay
Ang Galing ng taga-Pitpitan
Mga Opisyal at Kawani
Bisyon / Misyon
Citizen's Charter
Mga Dating Nanungkulan
Mga Negosyo
Mga Organisasyon
Sattelite Image Map
Citizen's Charter
Wallpapers New
 
Google
  This site only
FACEBOOK.COM/BGYPITPITAN

BPITC
  COPYRIGHT © 2004 - 2011    |    ABOUT BPITC    |    ABOUT THIS SITE    |    ABOUT THE AUTHOR