Home   General Info   Rediscovering Pitpitan   Government   Directory   Downloads Wika: Filipino | English
Schedule of Activities
 
 
 
 
General Information
Mga Datos

 

Heograpiya

Demograpiya

 

 

HEOGRAPIYA

A. LAWAK NG LUPAING NASASAKOP.

Ang PITPITAN ay isa sa pinakamaliit na nayon sa bayan ng Bulakan na may kabuuang sukat na 2,597,005.53 metro kuwadrado (sq.m) o 259.7005 hectares. Ito ay binubuo ng sitio o purok ng Libo, Libis, Gitna, Tabang at Tulay na siya namang sumasakop sa lugar ng Sabana at Aksaho. (Ang Aksaho ay natatala bilang isang nayon sa Bulakan noong panahon ng Kastila, ngunit kalaunan ay naging bahagi ng Pitpitan. Kilala ang Aksaho sa buong bayan bilang palayan, palaisdaan at sementeryo.)

 

B. KAANYUAN NG ILOG, BUKIRIN, PALAISDAAN, KAINGIN, KAGUBATAN, SAPA, PATUBIG, DAM atbp.

Sa dakong silangan ng nayon ay matatagpuan ang ilog o patubig na bumabagtas patungo sa gawing timog at hanggahan ng nayon ng San Nicolas kung saan naroon ang tinatawag na Maniknik Dam. Bahagi rin ng ilog na ito ay patungong Daang Bangka sa gawing kanluran.

Malawak ang bukirin sa nayon na pinagsasakahan ng mga magbubukid. Mayroong patubig na nakatutulong sa pagpapadaloy ng tubig sa mga pinitak upang matamnan ng palay ang mga ito nang dalawang ulit sa loob ng isang taon, kung kaya't dito nanggagaling ang malaking ani ng palay sa buong bayan ng Bulakan.

Mayroon pa ring kaingin sa mga kagubatan ng nayon bagama't unti-unti nang lumiliit ang mga ito dahilan sa maraming mga dayuhan buhat sa lungsod, karatig-lalawigan at taga-ibang lugar ang naaakit manirahan dito. Gayunpaman, sagana pa rin sa masasarap na bungangkahoy tulad ng santol, mangga, suha, buko/niyog, kaimito, mabolo, abokado at marami pang iba na inaani ang mga tagarito.

Marahil sa darating na mga araw ay mababawasan na ang produksyon ng palay sa lugar na ito dahilan sa ang malaking bahagi ng bukirin sa ngayon ay ginagawang "subdivision" upang pagtayuan ng mga bahay, establisimyentong komersyal at pang-industriya.

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang "resorts" sa nayon, ang MAGLALANG RESORT at ULIT RESORT. Dinarayo ang mga ito ng mga nais lumangoy at maligo. Nagdaraos din dito ng mga kasayahan at handaan tulad ng kaarawan, kasal, binyag, reunion at iba pa.

 

D. DIREKSYON NG LUPAING NASASAKOP NG NAYON.

Ang PITPITAN ay nasa dakong hilaga ng bayan ng Bulakan at humahangga sa nayon ng Mambog na sakop ng Lungsod ng Malolos. Nahahanggahan nito ang nayon ng San Francisco (Tabon) sa gawing silangan at San Nicolas sa bandang timog. Sa bahaging kanluran nito matatagpuan ang mga bukirin, patubig, ilog at mga palaisdaan.

Back to Top ^

 


 

DEMOGRAPIYA

A. BILANG NG NANINIRAHAN.

Lalaki - 2,119

Babae - 2,026

KABUUAN - 4,145

Bilang ng Pamilya - 1,030

Bilang ng Kabahayan - 971

Mag-aaral sa Paaralang Elementarya - 350

 

B. DATOS PAMPULITIKAL.

Rehiyon: Gitnang Luzon (Region III)

Lalawigan: Bulacan - Kgg. Wilhelmino M. Sy Alvarado - Punong Lalawigan

Distrito: Unang Distrito - Kgg. Maria Victoria Sy Alvarado - Kinatawan

Bayan: Bulakan - Kgg. Patrick Neil F. Meneses - Punong Bayan

Bilang ng Botante - 1,992 (2007 Local & Barangay Election)

Bilang ng Presinto - 10

 

C. RELIHIYON.

 

 

D. HANAPBUHAY

 

E. KLASIPIKASYON NG BARANGAY.

 

F. PANGUNAHING SERBISYO.

Elektrisidad: MERALCO

Tubig: Bulakan Water District / Deep Wells / Artisian Wells

Komunikasyon/Internet: PLDT / DIGITEL - Landline; SMART / GLOBE / SUN - Mobile

Transportasyon: Public Utility Jeep (PUJ) / Tricycle / Pedicab

 

Source: ULAT SA BARANGAY 2010 - Barangay Governance Performance Management System

Back to Top ^

 


 

PAGHAHAMBING NG PAMUMUHAY NOONG ARAW AT SA NGAYON

 

May malaking pagbabago sa pamumuhay ang mga mamamayan noon at ngayon. Higit na maunlad ang pamumuhay ng mga naninirahan ngayon kaysa noon dulot ng mga makabagong kagamitan na ginagamit sa mga tahanan ng mga tagarito. Halos lahat ng bahay ay gumagamit na ng mga kasangkapang de-kuryente gaya ng refrigerator, telebisyon, karaoke, component system, VHS, VCD, DVD players, range at washing machine. Kumpara noong araw na iilan lamang ang may telebisyon kung saan ang ilang wala nito ay dumarayo pa ng panonood sa mga mayroon.

Gumagamit na rin ang mga tagarito ng makabagong pamamaraan sa pagsasaka at pangingisda upang mapabuti ang kanilang produksyon.

Bunga nito, marami na ring mga kabataan ang nakapagtatapos ng kanilang pag-aaral hanggang sa mataas na paaralan at pamantasan. Marami na ring tagarito ang nagkapalad na makapagtrabaho at mamasyal sa ibang bansa tulad ng Amerika, Japan, Hong Kong at ilang bansa sa Europa at Gitnang Asya.

 

Back to Top ^

 
 
 
 
Mga Datos
Sattelite Image Map
Pitpitan sa Google Maps™
Mga Kwento ng Kasaysayan
Mga Kakanin at ibp.
Mga Lugar sa Barangay
Ang Galing ng taga-Pitpitan
Mga Opisyal at Kawani
Bisyon / Misyon
Citizen's Charter
Mga Dating Nanungkulan
Mga Negosyo
Mga Organisasyon
Sattelite Image Map
Citizen's Charter
Wallpapers New
 
Google
  This site only
FACEBOOK.COM/BGYPITPITAN

BPITC
  COPYRIGHT © 2004 - 2011    |    ABOUT BPITC    |    ABOUT THIS SITE    |    ABOUT THE AUTHOR