Home   General Info   Rediscovering Pitpitan   Government   Directory   Downloads Wika: Filipino | English
Schedule of Activities
 
 
 
 
General Information
Satellite Image Map

Sattelite Image Map

Bago pa man ilunsad ng Google ang kanilang "Map Maker" kung saan kahit sinong gumagamit ng internet ay maaaring maglagay ng mga pangalan ng lugar sa 'google map" (http://maps.google.com), ang barangay Pitpitan ay matagal nang nakagawa ng ganitong klase ng "innovation" kung saan ang mga kalsada at iba pang lugar sa loob ng barangay ay nailapat sa actuwal na mapa na kuha ng sattelite sa kalawakan gamit ang mas naunang serbisyo ng Google, ang Google Earth.

Sa pagtutulungan ng Draftsman Philippines Enterprises, BPITC at ng Pamahalaang Barangay ng Pitpitan, ang proyektong ito ay matagumpay na naisakatuparan. Inilapat dito ang mga kalsada, eskinita maging ang mga Sitio ng barangay kung saan isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Barangay upang pagtibayin ang mga ito. Ang ganitong uri ng aerial sattelite map ay karaniwan lamang makikita sa mga tanggapan ng mga Punong Bayan at iba pang malalaking ahensya ng gobyerno, ngunit bihirang bihira sa mga barangay. Ang Pitpitan ang maituturing na kauna-unahang barangay na nakagawa ng ganito.

Ang malaking sipi ng mapang ito ay makikita sa loob ng Bulwagang Barangay ng Pitpitan at una itong ginamit ng Barangay Pitpitan Nutrition & Population Council noong 2007 para sa pagtatala ng datos ng populasyon at nutrisyon sa barangay.

 

Printable VersionAng Printable Version nito ay matatagpuan sa Download Page

 
 
 
 
Mga Datos
Sattelite Image Map
Pitpitan sa Google Maps™
Mga Kwento ng Kasaysayan
Mga Kakanin at ibp.
Mga Lugar sa Barangay
Ang Galing ng taga-Pitpitan
Mga Opisyal at Kawani
Bisyon / Misyon
Citizen's Charter
Mga Dating Nanungkulan
Mga Negosyo
Mga Organisasyon
Sattelite Image Map
Citizen's Charter
Wallpapers New
 
Google
  This site only
FACEBOOK.COM/BGYPITPITAN

BPITC
  COPYRIGHT © 2004 - 2011    |    ABOUT BPITC    |    ABOUT THIS SITE    |    ABOUT THE AUTHOR