PANIMULA
Sa pagkakasabatas ng Republic Act 9485 o ang Anti Red Tape Act of 2007 na nilagdaan at nagkabisa noong ika-2 Hunyo, 2007 ng dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo. Isa sa mga layunin nito ay ang pagsusulong ng hayag, mapagkakatiwalaan at mapanagutang pamamahala higit lalo sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo. Layunin din nito na magkaroon ng Gabay ang Mamamayan o Citizen’s Charter sa pagkuha ng mga kailangang dokumento o serbisyo sa bawat tanggapan ng mga ahensya ng pamahalaan.
Ang Citizen’s Charter ay isang gabay upang maiparating sa mga mamamayan ang mga pamamaraan, mga kabayaran at mga kakailanganin sa pagkuha ng mga dokumento o serbisyo sa bawat yunit ng pamahalaan.
PANGAKO NG PAGTUPAD
KAMI, mga OPISYAL at KAWANI ng PAMAHALAANG BARANGAY NG PITPITAN ay nangangako na aming tutuparin ang pagbibigay ng mataas na uri ng paglilingkod sa aming mga mamamayang nasasakupan na nakapaloob sa SALIGANG ito, higit sa lahat:
- maglilingkod kami ng naaayon sa pamantayan na may integridad at pananagutan;
- sisiguruhin ang pantay-pantay at walang kinikilingang paglilingkod maging anuman ang katayuan sa lipunan, relihiyon o kasarian;
- at makapagbigay ng lubos na kasiyahan sa mga mamamayan.
PANGUNAHING PAGLILINGKOD NA IBINIBIGAY NG BARANGAY
(Frontline Services)
Ang “Barangay Clearance” at “barangay Certification” ay isang opisyal na dokumento na ibinibigay ng barangay sa mga mamamayan na nais kumuha ng kapahintulutan o “permit” sa Pamahalaang Bayan at iba pang tanggapan.
Ito ay ang mga sumusunod:
* Business Clearance P20.00
* Good Moral Charatcter Clearance P20.00
- para sa mga Mag-aaral
- para sa Employment (Local o Abroad)
* Building Clearance P20.00
* Fencing Clearance P20.00
* Excavation Clearance P20.00
* Electrical Clearance P20.00
* Tax Exemption / Scholarship Clearance P20.00
* Certificate of Residency P20.00
- for Postal I.D.
- for Loan Purposes
* Certificate of Indigency - LIBRE
* Burial Permit for Barangay Cemetery - P 300.00
MGA KAKAILANGANIN SA PAGKUHA
- Community Tax Certificate (CEDULA) para sa mga residente 18 taon gulang pataas o kaya ay CEDULA ng magulang para sa mga mag-aaral / menor de edad.
MGA HAKBANG SA PAGKUHA NG
"BARANGAY CLEARANCE” AT “BARANGAY CERTIFICATE”
1. Magtungo sa Barangay Hall mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga - alas 5:00 ng hapon. hanapin ang Kalihim o Ingat Yaman ng barangay upang siyang dumulog sa kakailanganin ninyong Clearance o Certificate.
2. Kumuha ng CEDULA sa Ingat Yaman ng barangay kung sakaling wala pa nito. Ang halaga ng CEDULA ay naka-depende kung anong buwan ng taon ito kukuhanin. - 3 minuto
3. Magbayad ng kaukulang halaga sa Ingat yaman ng barangay. - 3 minuto
4. Hintayin ang paghahanda ng Clearance o Certificate na hinihingi kasama na ang paglagda ng Punong Barangay. - 5 minuto
5. Pag-release ng hinihinging Clearance o Certificate kasama ang Opisyal ng halagang binayaran matapos na ito ay lagdaan ng Punong Barangay. - 3 minuto
Para sa inyong mga mensahe, mungkahi o suhestyon, maaari po kayong magsadya sa
Bulwagang Barangay o tumawag sa telepono bilang 792-2880.
Maaari din pong makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
MARIA CECILA C. DE GUIA
Kalihim
ROSALIE A. AGUSTIN
Ingat Yaman
KGG. ROLANDO R. BAIRAN, SR.
Punong Barangay
o sa mga Kagawad ng Sangguniang Barangay.
Maraming Salamat po!
Back to Top ^ |